dzme1530.ph

Gobyerno, pinaglalatag ng proactive measures upang maiwasan ang paglanap ng Monkeypox

Loading

Umapela si Senate Committee on Health Chairman Christopher “Bong” Go sa gobyerno na maglatag ng proactive measures upang maiwasan ang paglaganap ng monkepox sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagtaas ng kaso ng mga tinamaan ng monkeypox sa Mindanao region.

Sa kabila aniya ng sinasabing undercontrol na ang sitwasyon dapat na magsagawa ng mga hakbangin ang gobyerno upang tuluyang hindi na kumalat ang sakit.

Hindi aniya dapat na saka na lamang mag-iisip ng mga hakbangin kapag andiyan na ang problema at sa halip ay dapat maging handa, dapat may mga institusyong kayang mag-monitor at rumesponde agad sa banta sa kalusugan ng bawat Pilipino.

Kasabay nito, nanawagan si Go sa publiko na maging kalmado subalit maging alerto, at makinig sa payo ng mga health expert sa bansa.

About The Author