Dumulog ang OFW party-list sa Korte Suprema, para humingi ng temporary restraining order (TRO) kaugnay sa naganap na 2025 midterm poll.
Pinangunahan ni OFW party-list Rep. Marissa Del Mar Magsino ang pag-hahain ng petition for certiorari para atasan ang Comelec en banc na pigilin ang National Board of Canvassers (NBOC) Resolution 14-25.
Pangunahing argumento ang umano’y ‘fundamental distortion of party-list system original mandate na irepresenta ang marginalized.
Bukod sa pagharang sa legal effect ng NBOC Resolution 14-25 na nag-distribute sa 63-seats sa nanalong party-list, nais din ni Magsino na magkaroon ng full review at recomputation sa seat allocations.
Sinabi din sa petisyon na ang kasalukuyang practice na hango sa BANAT Formula ay lumikha ng ‘uneven playing field’ dahil pinapaboran nito ang well-funded parties na nakakakuha ng 2% vote threshold, samantalang nabaliwala ang totoong marginalized sectors.