dzme1530.ph

Resolusyon na layong imbestigahan ang umano’y anomalya sa AES sa Halalan 2025, inihain

Loading

Inihain ng Makabayan Bloc ang resolusyon na layung imbestigahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang anomalya sa Automated Election System (AES).

Sa House Resolution (HR) 2291, tinukoy ang iba’t ibang anomalya sa nakalipas na midterm elections na kinakailangang tingnan in aid of legislation.

Batay sa reports ng independent electoral watchdog at advocates gaya ng Kontra-Daya, Vote Report PH, NAMFREL, at Computer Professionals’ Union, may 1,593 election violations ang naitala noong Mayo 12.

Halimbawa nito ang red-tagging, karahasan, vote buying at selling, dis-information, pag-abuso sa government resources, at ayuda program.

Dagdag pa dito ang pagpalya ng mga automated counting machines o ACMs, isyu sa election returns (ERS) at pagkolekta ng balota.

Sa pahayag ng Makabayan Bloc dapat itong siyasatin upang mapanagot ang dapat kasuhan.

About The Author