dzme1530.ph

Senado, walang dahilan upang ‘di ituloy ang impeachment trial kay VP Sara

Loading

Walang dahilan sa ngayon ang Senado upang hindi ituloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Spokesman Atty. Arnel Bañas sa gitna ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bukas siya sa reconciliation sa mga Duterte.

Ipinaliwanag ni Bañas na nasa hurisdiksyon na ngayon ng Senado ang reklamo at bilang pagtugon sa mandato ay obligado ang mga senador na dinggin ito.

Tulad ng naunang inanunsyo ni Senate President Francis Escudero, sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa June 2, ay babasahin ng team of prosecutor ang articles of impeachment sa open session ng Senado.

Kinabukasan, alas-9 ng umaga ay magkoconvene na ang impeachment court upang manumpa ang mga senator judges at simulan ang pagpapadala ng mga summons at iba pang kaugnay na kautusan.

Kinumpirma naman ng opisyal na siyam na boto lamang ng senator judges ang kailangan upang ma-acquit ang Bise Presidente.

About The Author