dzme1530.ph

Pagpapanatili sa mga miyembro ng economic team, makabubuti sa business sector

Loading

Naniniwala si Sen. Sherwin Gatchalian na makabubuti para sa ekonomiya partikular sa sektor ng pagnenegosyo at sa publiko ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na iretain ang mga kasapi ng economic team.

Sinabi ng chairman ng Senate Committee on Ways and Means na dahil dito ay magiging tiwala ang mga negosyante sa gobyerno.

Ipinaalala ng senador na hindi nais ng mga negosyante na pabagu-bago ang nakakausap nila sa gobyerno.

Sinabi ni Gatchalian na lilikha ng kalituhan at pagkabahala sa business sector kapag pinatagal ng Pangulo ng isang linggo o higit pa ang desisyon ng Pangulo sa courtesy resignation.

Kinontra naman ni Gatchalian ang mga nagsasabing dapat nang masibak si Finance Sec. Ralph Recto dahil sa isyu sa paglilipat ng ₱80-B pondo ng Philhealth patungo sa ibang proyekto ng gobyerno.

Binigyang-diin ni Gatchalian na katungkulan lamang ni Recto na humanap ng pondo para sa mga proyekto at programa ng gobyerno na makatutulong sa taumbayan.

About The Author