dzme1530.ph

Hog production, bumagsak ng 3.7% sa unang quarter ng 2025

Loading

Bumaba ng 3.7% o sa 403.79 thousand metric tons ang produksyon ng baboy sa unang quarter ng 2025 kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA), ang Northern Mindanao na top hog producer ay may 57.99 thousand metric tons liveweight, na kumakatawan sa 14.4% ng kabuuang produksyon.

Sumunod ang CALABARZON na may 57.36 thousand metric tons; Central Luzon, 50.66 thousand metric tons; Central Visayas, 40.86 thousand metric tons; at Davao Region, 31.72 thousand metric tons.

Nabawasan ng 6.14 thousand metric tons ang swine production sa CALABARZON, na nakapagtala ng pinakamalaking ibinaba mula sa 11 rehiyon.

About The Author