Inatasan ng Office of the Ombudsman si Cebu Governor Gwen Garcia na ipaliwanag ang kabiguan nitong sumunod sa ipinataw sa kanyang suspension order.
Pinagpapaliwanag din ni Ombudsman Samuel Martires ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kung bakit hindi pa nito naipatutupad ang suspensyon na dapat ay “immediately executory.”
Sa Communication na may petsang May 19, 2025, inatasan ng Ombudsman si Garcia na magpaliwanag sa loob ng limang araw mula nang matanggap nito ang abiso, kung bakit hindi ito dapat ma-cite for indirect contempt.
Dahil ito sa patuloy na pagsuway ng Cebu Governor sa April 23, 2025 order ng Ombudsman, kung saan pinatawan ito ng anim na buwang preventive suspension.
Nag-ugat ang suspensyon kay Garcia, kasunod ng findings ng Ombudsman na nag-isyu ito ng special permit sa isang construction company kahit walang environmental compliance certificate mula sa Department of Environment and Natural Resources.