Magtutungo sa Senado ang lahat ng 19 miyembro ng House prosecution panel sa June 2 para basahin ang pitong charges sa ilalim ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay San Juan City Rep. Yzabel Zamora, miyembro ng House panel, ito ay bilang pagtalima sa liham ni Senate President Francis Escudero.
Sa sulat na naka-address kay House Speaker Martin Romualdez, sinabi ni Escudero na handa ang Senado na tanggapin ang House panel of Prosecutors sa June 2, alas kwatro ng hapon.
Magko-convene ang Senado bilang impeachment court sa umaga ng June 3 para mag-isyu ng mga summon at iba pang mahahalagang kautusan.
Idinagdag ni Zamora na 90% nang handa ang House prosecution para sa impeachment trial na inaasahang magsisimula sa July 30.