dzme1530.ph

Load limits sa San Juanico Bridge, posibleng itaas pa ng DPWH sa susunod na buwan

Loading

Posibleng itaas pa sa mga susunod na buwan ang kasalukuyang load limits sa San Juanico Bridge, sa gitna ng isinasagawang rehabilitasyon sa mahigit dalawang kilometrong tulay.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, kapag natapos na ang retrofitting sa ilang segments ay maaari nilang itaas ng kaunti ang load limits sa San Juanico Bridge.

Sa ngayon aniya ay ipinagbabawal ang pagdaan ng mga sasakyan na may bigat na tatlong tonelada sa kinukumpuning tulay.

Sinabi ni Bonoan na ang pagtaas ng load limits ay posibleng ipatupad sa huling quarter ng kasalukuyang taon.

Sa kalaunan naman aniya ay papayagang makadaan ang karamihan ng mga sasakyan sa San Juanico Bridge maliban sa mga mayroong mabibigat na mga karga.

About The Author