Binalaan ng Comelec ang mga kandidato sa nagdaang May 12 Midterm Elections laban sa pagsusumite ng hindi totoong Statements of Contributions and Expenditures (SOCEs).
Binigyang diin ni Comelec Chairman George Garcia na ang paghahain ng SOCE na mayroong discrepancies at panloloko, ay may katapat na kasong falsification at perjury.
Sa ilalim ng Republic Act No. 7166, bawat kandidato at political party, panalo man o talo, ay obligadong magsumite ng kanilang “full, true and itemized” SOCEs sa loob ng 30-araw pagkatapos ng halalan.
Ang kabiguang maghain ng SOCE ay maaring magresulta ng administrative fines laban sa concerned candidates at political parties.
Ngayong taon, ay mayroong hanggang June 11 ang mga kandidato at partido para magsumite ng kanilang SOCEs.