dzme1530.ph

6 Chinese underwater drones, narekober sa katubigan ng Pilipinas, ayon sa PCG

Loading

Nasa anim o pitong underwater drones na pinaniniwalaang nagmula sa China ang natagpuan sa katubigan ng Pilipinas, ayon sa Philippine Coast Guard.

Sinabi ni PCG Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela, na itinu-turnover nila ang mga narerekober na drone sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inihayag din ni Tarriela na kamakailan lamang ay itinaboy nila ang dalawang Chinese research vessels na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Aniya, ang isa ay 151 nautical miles ang layo mula sa baybayin ng Itbayat, Zambales habang ang isa pa ay 40-45 miles mula sa dalampasigan ng Burgos, Ilocos Norte.

Binigyang diin ng PCG na mayroon ding napaulat na sightings ng underwater drones mula sa China ang iba pang Southeast Asian countries, gaya ng Vietnam, Indonesia, at Malaysia.

About The Author