Binalaan ng Philippine Consulate General ang lahat ng Pilipino sa Hong Kong, partikular ang migrant domestic helpers, laban sa surrogacy jobs sa Georgia at iba pang mga bansa.
Sa advisory, inihayag ng Konsulado na nakatanggap ito ng reports tungkol sa sindikato na ang target ay mga terminated domestic workers sa Hong Kong para magtrabaho bilang surrogate mothers sa Georgia.
Iba-biyahe umano ang domestic workers patungong United Arab Emirates o Qatar saka dadalhin sa Georgia, kung saan ilan sa kanila ay nagiging biktima ng rape at forced abortions.
Samantala, nagbabala rin ang Consulate sa mga Pinoy laban sa visa fixers na nagpapanggap bilang mga kinatawan ng lehitimong employment agencies.