dzme1530.ph

Posibleng pagbabago sa gabinete, ipinahiwatig ni Pangulong Marcos sa gitna ng isinasagawang performance review sa mga miyembro

Loading

Isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sinimulan na ng kanyang administrasyon ang pagre-review sa performance ng mga miyembro ng gabinete.

Senyales ito ng posibleng pagbabago, batay sa magiging resulta ng isinasagawang ebalwasyon.

Sa premiere episode ng kanyang “BBM Podcast,” ipinaliwanag ng Pangulo na ang review ay upang ma-assess ang government performance at matanggal ang inefficiency at corruption, lalo na’t papasok na ang kanyang administrasyon sa ikalawang bahagi.

Sinabi pa ni Marcos na mahalagang malaman kung bakit mabagal o mababa ang serbisyo, upang matukoy ang mga gagawing hakbang para pabilisin ang paghahatid ng serbisyo.

Idinagdag ng Punong Ehekutibo na posibleng mauwi sa pagsibak sa pwesto o pagsasampa ng legal action ang ongoing review, depende sa magiging resulta.

 

 

About The Author