KINUMPIRMA ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na makatatanggap ng dagdag na ₱1,000 honoraria ang mga guro na nagsilbi sa katatapos na halalan.
Bukod pa ito sa naunang inaprubahang ₱2,000 dagdag sa honoraria ng mga guro.
Dahil dito, lubos ang pasasalamat ni Garcia kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr makaraang pakinggan ang kanilang hiling na dagdagan ang honoraria ng mga guro na hindi matatawaran ang kabayanihan at sakripisyo sa pagsisilbi.
Sinabi ni Garcia na sinulatan na si Budget Secretary Amenah Pangandaman ni Executive Secretary Lucas Bersamin at ipinaalam na aprub ang hiling na dagdag ₱758.45 million na pondo para sa dagdag kompensasyon sa mga guro.
Hindi anya kalakihan ang ₱1,000 pero maituturing itong tangible recognition sa serbisyo at dedikasyon ng mga guro.