dzme1530.ph

PBBM, pursigidong isulong ang matatag na ugnayan sa Bangladesh, Palau, Armenia, Cuba at Mongolia

Loading

Determinado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na pagbutihin pa ang relasyon ng pilipinas sa Bangladesh, Palau, Armenia, Cuba, at Mongolia.

 

Kahapon ay tinanggap ng Pangulo ang credentials ng mga bagong Ambassador ng limang bansa sa Pilipinas, sa pamamagitan ng isang seremonya sa Malakanyang.

 

Inihayag ng Presidential Communications Office na umaasa si Pangulong Marcos na mahigpit na makikipagtulungan ang envoys sa kanilang Philippine Counterparts, upang lumalim pa ang bilateral ties, kasabay ng paghimok sa mga ito na i-explore ang Pilipinas.

 

Tinanggap ng Pangulo ang credentials ng Resident Ambassador ng Bangladesh na si Mohammad Sarwar Mahmood, gayundun ang apat na bagong non-residents na sina Peter Adelbai ng Palau, Suren Baghdasaryan ng Armenia, Yadira Ledesma Hernandez ng Cuba, at Enkhtaivan Dashnyam ng Mongolia.

About The Author