Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang transportation officials na itaas ang insurance benefits ng private vehicles at iparehas ito sa public utility vehicles (PUVs).
Ito ay upang tumaas ang proteksyon ng mga pasahero at matugunan ang problema sa kakulangan ng kompensasyon sa mga biktima ng mga aksidente sa kalsada.
Kinumpirma ni Transportation Sec. Vince Dizon na nais ng Pangulo ng itaas ang insurance policies para sa mga pribadong sasakyan, gaya sa Passenger Personal Accident Insurance na itinakda sa PUVs, na nagbibigay ng hanggang ₱400,000 na death benefits habang ₱100,000 para sa mga nasugatan.
Sa ilalim ng kasalukuyang regulasyon, ang mga pasahero ng pribadong sasakyan ay maari lamang makatanggap ng ₱200,000, kahit ilan pa ang bilang ng casualties.