Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo ang “pakyaw” o ang piece-rate system na ipinatutupad ng ilang mga manufacturing at construction company.
Ginawa ni Tulfo ang pagpuna sa consultative meeting kasama ang Department of Labor and Employment at labor sector representatives.
Alinsunod aniya sa sistema, binabayaran ang mga manggagawa batay sa trabahong magagawa nila sa halip na magkaroon ng fixed daily o hourly wage.
Natuklasan ng senador ang naturang impormasyon sa pag iikot sa mga construction at manufacturing companies.
Para sa mambabatas, mapagsamantala at mapang-abuso ang sistemang ito dahil maaari itong humantong sa substrandard na trabaho at kakarampot na kita.
Dahil dito, balak ni Tulfo na bumalangkas ng panukala na magbibigay proteksyon sa mga manggagawa laban sa ganitong sistema.