Tiniyak ng Malakanyang na hindi maaapektuhan ng resulta ng Halalan 2025 ang mga programa ng pamahalaan, partikular ang ₱20 na kada kilo ng bigas.
Sinabi ni Palace Press Officer, Atty. Claire Castro na walang problema sa implementasyon ng ₱20/kilo rice program sa Visayas dahil para ito sa taumbayan.
Ginawa ng Palasyo ang pahayag kasunod ng pagkatalo ni Cebu Gov. Gwen Garcia sa katatapos lamang na eleksyon.
Si Garcia na kaalyado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay suportado ang ₱20 per kilo rice program na unang inilunsad sa Visayas region.
Handa naman ang nanalong gobernador ng Cebu na si Pam Baricuatro na makipagtulungan kay Garcia, sa pagsasabing hindi kailangang baguhin ang mga proyekto ng outgoing governor.