dzme1530.ph

Mga kandidatong nais magkaroon ng manual recount, pinayuhang maghain ng election protest

Loading

Hinimok ng Commission on Elections ang mga kandidatong nagnanais magsulong ng manual recount na maghain na lamang ng election protest.

Sinabi ni Comelec Spokesman Atty. Rex Laudiangco na dalawa lamang ang maaaring pagbatayan ng manual recount.

Una na rito ay ang random manual audit na sinimulan na kaninang umaga ng Comelec at bukas naman sa publiko.

Ikalawa anya ay sa ilalim ng election protest kung saan magkakaroon ng opening of boxes at saka isasagawa ang recount.

Gayunman, sa proseso anya ng manual recount sa ilalim ng election protest, kinakailangang magbigay ng pilot areas ang nag-aakusa na nagkaroon ng problema sa bilangan upang ang mga lugar na ito ang unang titignan sa manual recount.

Paglilinaw ni Laudiangco na kapag walang nakitang problema sa mga pilot areas ay posible nang agad ibasura ang election protest dahil wala nang nakikita pang dahilan upang ipagpatuloy ang pagbibilang.

Iginiit din ni Laudiangco na sa sistema ngayon na automated ay wala nang nagaganap na pre-proclamation controversy kaya’t halos tuloy tuloy na ang proseso ng pagbibilang at wala nang nagiging sagabal.

About The Author