dzme1530.ph

Comelec, kinumpirmang nagpapatuloy ang hacking attempts sa kanilang website at server

Loading

Kinumpirma ni Comelec Spokesman Atty. Rex Laudiangco na naging tuloy-tuloy ang hacking attempts sa kanilang website at precinct finder nitong eleksyon.

Sa datos, sinabi ni Laudiangco na tumaggap ang Precinct Finder ng 76.81 million visits subalit 1.45 million dito ang attempted hacking na naharang agad.

Sa Comelec website, umabot ng 113.71 million visits kung saan 1.75 million ang attack.

Sa kabutihang palad anya ay maganda ang nailatag na cybersecurity ng Comelec katuwang ang Department of Information and Communications Technology.

Isa sa nakikitang motibo ni Laudiangco ay nais ng mga hacker na idown ang website ng Comelec at idamay ang bahagi nito kaugnay sa election result.

Panawagan ni Laudiangco sa mga hacker wala na silang dapat pang patunayan dahil alam naman na aniya ng lahat na magaling sila subalit huwag naman nang ipagkait ang tamang impormasyon para sa mga kababayan.

Sa panahon aniya ng fake news, kailangan ng publiko ng isang trusted source of information at ang pangunahin na rito ang mula sa website.

About The Author