dzme1530.ph

Electricity service sa Halalan 2025, ‘generally stable,’ ayon sa Meralco

Loading

“Generally stable” ang power situation sa mga sineserbisyuhang lugar ng Meralco sa katatapos lamang na 2025 National and Local Elections.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, walang major service disruptions sa electricity service sa mahigit 3,000 polling and canvassing centers, pati na sa iba pang mahahalagang election sites.

Sa kabuuan aniya, ang mga isolated at minor electricity service concerns ay agad namang naresolba ng kanilang mga tauhan at hindi nagdulot ng anumang major delay sa botohan sa loob ng kanilang franchise area.

Tiniyak din ni Zaldarriaga na mananatili silang naka-full alert at naka-standby 24/7 para rumesponde sa posibleng problema hanggang sa maiproklama ang mga nanalong kandidato sa midterm elections.

About The Author