dzme1530.ph

ACM errors, nanguna sa mga reklamo sa Halalan 2025

Loading

Sa pagtatapos ng Halalan 2025, lumitaw bilang most reported election anomaly ang Automated Counting Machine (ACM) errors.

Ayon sa final status report ng Vote Report PH, as of 12:00 pm ng May 13, kabuuang 6,064 election-related violations ang naitala, kasama ang 1,593 verified cases.

Kabilang dito ang acm issues na kumakatawan sa 50.09% ng lahat ng verified violations, katumbas ng 798 reports.

Sinabi ng poll watchdog na karaniwan sa naging problema ay ink smudging, overly sensitive scanners, at mataas na insidente ng overvotes.

Nakapagtala rin ang Vote Report PH ng mga reklamo tungkol sa illegal campaigning, voter disenfranchisement, hindi pagtalima ng board of election inspectors, at red-tagging sa mga kandidato.

About The Author