dzme1530.ph

Dating Pangulong Rodrigo Duterte, naiproklama na bilang alkalde ng Davao City

Loading

Hindi naging hadlang ang pagkakabilanggo sa The Hague, Netherlands, upang mailuklok si dating Pangulong Rodrigo Duterte bilang alkalde ng Davao City, sa pamamagitan ng landslide victory sa katatapos lamang na midterm elections.

Batay sa Official City Canvass Report, nakakuha si Duterte ng 662,630 votes, malayo sa kanyang katunggali na si Atty. Karlo Nograles na may 80,852 votes.

Iprinoklama si Duterte bilang bagong halal na alkalde ng Davao City, bago mag alas-kwatro ng hapon, kahapon.

Ang anak naman ng dating Pangulo na si Sebastian “Baste” Duterte, ay nanguna sa vice mayoral race sa kanyang nakuha na 651,356 votes.

Malaki rin ang lamang ng nakababatang Duterte sa mahigpit nitong katunggali na si Bernie Al-Ag na may 78,893 votes.

 

 

About The Author