Sisimulan ngayong Miyerkules ng umaga ang itinatakda ng batas na Random Manual Audit (RMA) para sa 2025 midterm elections.
Ayon sa Comelec, 762 manually selected ballot boxes mula sa iba’t ibang presinto ang i-o-audit ng 60 teams mula sa Department of Education (DepEd) na hindi nagsilbi bilang Electoral Board Members.
Sinabi ni Director Abigail Claire Llacuna ng Comelec Education and Information Department, na sumailalim ang auditors sa training simula April 28 to 30, at sumalang sa certification exams.
Kabuuang 60 lamesa ang ipinuwesto sa Citadines Bay City Manila sa Pasay City, kung saan i-o-audit ng DepEd teams ang mga balota.