Pinaghahanda ni Sen. Joel Villanueva ang mga mananalong senador ngayong halalan para sa mas matrabahong Senado sa pagpasok ng 20th Congress.
Ipinaalala ni Villanueva na kritikal ang sitwasyon ng mga papasok na bagong senador dahil mayroong nakaambang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ng senador na dahil dito hindi lang pabalangkas ng batas ang dapat pagtutuunan ng pansin sa 20th Congress kundi ang pagganap nila bilang senator judges ng impeachment court.
Kailangan aniya nilang magdoble kayod dahil hindi na lang iisa ang kanilang magiging tungkulin sa susunod na Kongreso.
Bukod sa legislator, sila rin ay tatayong miyembro ng jury o hurado rin impeachment trial.
Bukod dito, may oversight function din ang dapat atupagin ang mga senador bukod pa sa paghimay sa pambansang budget sa susunod na taon.