dzme1530.ph

33% ng Certificates of Canvass para sa midterm elections, natapos nang bilangin ng Comelec

Loading

Umabot sa 58 ng kabuuang 175 na Certificates of Canvass ang natapos nang bilangin ng Commission on Elections na tumatayo bilang National Board of Canvassers sa unang araw ng pagsisimula nila ng canvassing, kahapon.

Gayunman, inaasahang ngayong umaga pa lamang ilalabas ng NBOC ang una nilang partial official count dahil kailangang pang itally ang mga boto mula sa 58 na COCs.

Kasabay nito, tiniyak ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na simula ngayong Miyerkules ay gagawin nilang araw-araw ang paglalabas ng partial official count hanggang sa tuluyang makapagdeklara ng mga nanalong senador at partylist.

Kabilang sa mga COC na nauna nang naicanvass ng NBOC ang local absentee voting, overseas votes at ilang mga lalawigan at mga lungsod sa Metro Manila.

Target naman ng Comelec na makapagproklama ng mga nanalong senador at partylist group sa Biyernes o Sabado.

Nilinaw naman ni Laudiangco na hindi mandato ng Comelec na ilabas ang partial official tally pero dahil sa pagpapakita ng transparency ginagawa ito ng poll body.

About The Author