dzme1530.ph

National Board of Canvassers, nagsimula nang magbilang ng mga boto; proklamasyon ng mga nanalong senador, posible sa Sabado

Loading

Pasado alas-10 ng umaga kanina nang muling mag-convene ang Comelec bilang National Board of Canvassers para sa pagbilang ng mga boto para sa mga senador at partylist bets.

Unang isinalang sa canvassing ang certificate of canvass para sa Local Absentee Voting na may kabuuang registered voters na mahigit 51,000.

Ang mga lumahok sa Local Absentee Voting ay mga sundalo, pulis at mga mamamahayag.

Bukod sa LAV, inanunsyo rin ang pagpasok na rin ng mga COC sa Consolidation and Canvassing System ng Comelec mula sa Overseas Voting at mula sa Baguio City at Ifugao.

Samantala, sa press briefing, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na kung magiging mabilis ang dating ng mga datos ay posibleng sa Sabado at Linggo ay makapagproklama na sila ng mga nanalong senador.

Sinabi ni Garcia na simula kagabi ay marami nang bayan at munisipyo ang nakapagproklama na ng mga nanalong lokal na opisyal.

Kaya naman umaasa ang opisyal na sa loob ng linggong ito ay matatapos nila ang canvassing ng lahat ng boto at maiproklama ang mga nanalo sa weekend.

About The Author