dzme1530.ph

Paghahatid ng election paraphernalias sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, nauwi sa gulo

Loading

Nagpapatuloy ang tensyon sa pagitan ng taga suporta ng United Bangsamoro Justice Party at isa pang grupo sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte ngayong araw.

Ayon kay Bangsamoro Region Spokesman Lt. Col. Joey Ventura, hinarangan ng mga taga suporta ng UBJP ang paghahatid ng mga automated counting machine (ACM) at iba pang election materials dahil hindi umano natupad ang hiling nitong mga pulis ang tumayong Board of Election Inspector.

Mayroon kasing akusasyon umano ang naturang partido na mga pekeng guro o may pinapaborang partido ang mga board of election inspector sa lugar.

Nagresulta ang tensyon sa lugar ng pagkapinsala ng ilang sasakyan.

Sa ngayon mayroon nang mga pulis, sundalo at iba ang ahensya ng pamahalaan upang siguraduhin ang seguridad sa lugar habang nagpapatuloy ang negosasyon sa demand ng nagpoprotestang grupo.

About The Author