KAPAG nag-itim ka, matatalo ka.
Ito ang isa sa mga pamahiing minana ni dating Senate President Tito Sotto kay dating Senador Ernesto Maceda tuwing panahon ng halalan.
Ginawa ni Sotto ang pahayag makaraang matanong ng media kung may pamahiin sila kaugnay sa pagboto pagdating sa Mayo 12.
Wala naman itong direktang ugnayan sa naging tema ng kampanya ni dating Alyansa senatorial bet at Senador Imee Marcos.
Matatandaang ang campaign video ni Marcos kasama si Vice President Sara Duterte kung saan binanatan ang gobyerno ng kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay may titulong ITIM na ang ibig sabihin ay Ilaban ang Tama Itama ang Mali.
Sinabi naman nina ACT CIS Partylist Erwin Tulfo at dating Senador Panfilo Lacson na wala silang sinusunduang pamahiin bagkus ipinapasa-Diyos nila ang lahata ng mangyayari.