Ilang araw na lang bago ang 2025 National and Local Elections, nagsimula nang dumagsa sa mga bus terminal at airport ang mga pasaherong boboto sa kanilang probinsya.
Ilang pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang nahihirapan nang mag-book ng tickets patungo sa kanilang lalawigan.
Ayon sa pamunuan ng PITX, nagsimulang bumuhos ang mga pasahero noong Lunes, kaya fully booked na ang mga biyahe.
Gayunman, tiniyak ng PITX Management na naghanda sila ng sapat na bilang ng mga bus para ma-accommodate ang lahat ng mga pasahero.
Inaasahan ngayong Biyernes ang peak ng pagdating ng mga pasahero sa bus terminal para sa kanilang gagawing pagboto sa Lunes.
Samantala, nagsimula na ring dumating ang mga biyahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, sa layuning makauwi sa kanilang probinsya at makaboto sa May 12 elections.