dzme1530.ph

Mahigit 400 reports ng vote-buying, vote-selling at abuse of state resources, natanggap ng Comelec

Loading

Umabot na sa mahigit 400 reports ng vote-buying, vote-selling, at abuse of state resources (ASR) ang natanggap ng Committee on Kontra Bigay (CKB) ng Comelec para sa Halalan 2025.

Sinabi ni Commissioner Ernesto Maceda Jr., Chairperson ng Komite, na hanggang kahapon ay 439 na ang natanggap nilang reports.

Sa naturang bilang, 268 ay vote-buying at vote-selling, 130 ay ASR, habang 41 ay kombinasyon ng mga kaso.

Karamihan sa vote-buying at vote-selling cases ay may kaugnayan sa cash distribution, financial assistance, at pamimigay ng goods, gaya ng bigas at de lata.

Ang mga rehiyon naman na may pinakamaraming complaints ay kinabibilangan ng CALABARZON, Cagayan Valley, Metro Manila, Bicol Region, MIMAROPA, at Ilocos Region.

About The Author