dzme1530.ph

BJMP, handa na para Halalan 2025 sa loob ng mga kulungan

Loading

Tiniyak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kanilang kahandaan na asistehan ang mga botante sa loob ng mga piitan sa bansa para sa Halalan 2025.

Sinabi ni Jail Supt. Jayrex Bustinera na mahigit 400 special polling precincts ang ilalagay sa mga kulungan sa Araw ng Eleksyon sa Lunes.

Aniya, mula sa 115,000 na nakapiit sa buong bansa ay mayroong mahigit 31,000 na boboto sa halalan sa loob ng mga kulungan habang 1,000 persons deprived of liberty ang dadalhin sa labas para bumoto sa community polling precincts.

Idinagdag ni Bustinera na may ide-deploy na mga kinatawan ng Comelec sa special polling precincts sa loob ng mga piitan, kasama ang mga tauhan ng PNP at BJMP.

About The Author