dzme1530.ph

Mga Pilipino, pinaiiwas sa mga lugar na malapit sa border ng India at Pakistan

Loading

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Pakistan ang mga Pilipino na iwasang bumiyahe sa bahagi ng Kashmir na pinangangasiwaan ng Pakistan kasunod ng inilunsad na missiles ng India.

Partikular na ibinabala ng Embahada ang pagtungo sa Bhimber City, Azad Kashmir, Sialkot Line of Control, at mga lugar na nasa loob ng 5-mile India-Pakistan border.

Ang Line of Control ay de facto border sa pagitan ng India at Pakistan sa rehiyon ng Jammu at Kashmir, na teritoryong kapwa inaangkin ng dalawang bansa.

Ginawa ng Philippine Embassy ang babala matapos maglunsad ang India ng serye ng air strikes sa Kashmir, kung saan tinarget ang iba’t ibang lokasyon sa line of control at international border.

Tugon ito ng India sa ginawang pag-atake ng Pakistan-based militant groups sa pinangangasiwaan nilang teritoryo noong April 22 na ikinasawi ng 22 turista.

About The Author