Hinimok ng isang grupo ng bus operators sa Metro Manila ang Department of Transportation (DOTr) na pag-isipan muli ang panukalang limitahan sa apat na oras kada araw ang pagmamaneho ng mga tsuper.
Binigyang diin ni Mega Manila Consortium President Juliet De Jesus, na ang naturang polisiya ay hindi akma para sa city bus operations bunsod ng mas maliit na bilang ng mga driver at mas malalapit na ruta.
Inihalimbawa ni De Jesus ang biyaheng Monumento hanggang PITX,na hindi naman aniya agad nadi-dispatch pabalik, at mayroon pang pila.
Idinagdag ni De Jesus na mayroong 30-minutong pahinga kada biyahe ang city bus drivers, hindi gaya ng provincial bus drivers na tuloy-tuloy ang pagmamaneho.