Hinimok ni Sen. Alan Peter Cayetano ang mga Pilipino na maging mapanuri at pag-isipan kung anong klaseng liderato ang nais nila na mamuno sa bansa.
Binigyang diin ng senador na habang papalapit ang halalan, mahalagang maunawaan ng lahat ang tunay na leadership at suriin sino ang mga ideal na lider.
Hindi aniya dapat pulitika lang ang sentro ng usapan pagdating sa liderato at mas mahalaga aniya na pag-usapan kung anong klase ng ugali at asal ang dapat hanapin sa isang lider.
Ipinaalala ni Cayetano sa publiko na wala namang perpektong lider, pero bawat isa sa kanila ay may aral na puwedeng mapulot.
Pero mainam aniyang masuri ng ating mga kababayan ang katangian ng isang tunay na lider para maging gabay sa pagpili ng iboboto sa magaganap na eleksyon sa Lunes, May 12.