dzme1530.ph

Turismo at pag-unlad sa Tawi-Tawi, target isulong ng Alyansa senatorial bet

Loading

Inilatag ni Alyansa senatorial bet at dating Sen. Manny Pacquiao ang kanyang mithiin para sa pag-unlad ng ekonomiya at turismo ng Tawi-Tawi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga reporma sa sektor ng maritime.

Kabilang dito ang panukalang pagkolekta ng port access fees, pilotage, bunkering services, at iba pang maritime services sa mga pantalan ng lalawigan.

Ayon kay Pacquiao, ang Tawi-Tawi ay maaaring maging pintuan ng Pilipinas patungo sa East ASEAN Growth Area.

Sa maayos aniyang pamumuno at tamang batas, makakalikha ng panibagong kita para sa lalawigan habang pinapalakas ang seguridad sa ating teritoryo at karagatan.

Sa gitna nito nakuha ni Pacquiao ang buong suporta ng pinakamalakas na political bloc ng Tawi-Tawi, sa pangunguna ni Governor Yshmael “Mang” Sali at labing-isang alkalde ng Bangsamoro.

Binanggit ni Pacquiao ang mga benepisyong pang-ekonomiya na maaaring makamit ng lalawigan kabilang ang kita mula sa buwis sa paggamit ng pantalan at serbisyong pandagat; paglikha ng trabaho sa bunkering, pagkukumpuni ng barko, at crew exchange; pagtutulak ng lokal na turismo at imprastraktura; at pagpapalakas ng blue economy o ekonomiya sa karatagan at soberanya ng Pilipinas sa katubigan.

Ngunit inamin rin ng pambansang kamao ang mga hamon na kakaharapin kasama na ang panganib sa seguridad tulad ng smuggling at piracy; kakulangan sa imprastraktura tulad ng pantalan at fuel depots; at pangangailangan ng koordinasyon sa MARINA, Philippine Coast Guard, at Department of Transportation.

About The Author