dzme1530.ph

Pagsasabatas ng mandatory drug testing sa mga PUV driver kada 90 araw, dapat pag-aralan

Loading

Mahalagang pag-aralan ng Kongreso ang posibleng pagsasabatas ng plano ng Department of Transportation (DOTr) na isailalim sa mandatory drug testing kada 90 araw ang mga tsuper ng pampasaherong sasakyan.

Ito ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada bilang pagsuporta sa desisyon ng DOTr.

Layun ng hakbang ng DOTr na mapanatili ang kaligtasan sa kalsada at maprotektahan ang kapakanan ng mga pasahero.

Ayon kay Estrada, ang kautusang ipinalabas ni Transportation Sec. Vince Dizon ay proactive step o maagap na hakbang para sa mas ligtas na mga kalsada.

Binigyang-diin din ng senador na isa siya sa mga co-author ng Republic Act No. 10586 o Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013, na nagmamandato ng drug test sa mga driver na sangkot sa mga aksidente sa kalsada.

Maaaring panahon na aniya upang pag-aralan sa Kongreso kung nararapat palawakin ang saklaw ng naturang batas.

Ang pahayag ng senador ay bahagi ng mas malawak na diskusyon sa Senado kaugnay ng panukalang isalang sa regular na drug testing ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan, kasunod ng sunud-sunod na aksidente sa kalsada.

About The Author