dzme1530.ph

‘Trabaho Para sa Bayan’ program, inilunsad ng Marcos administration

Loading

Inilunsad ng pamahalaan ngayong Lunes ang kauna-unahang labor market development plan ng bansa.

Nakalatag sa Trabaho Para sa Bayan (TPB) Plan 2025-2034, ang komprehensibong road map para sa job creation, labor market transformation, at inclusive workforce development para sa susunod na dekada.

Ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDEV), ang paglikha ng pang-matagalang plano ay salig sa Trabaho Para sa Bayan Act o Republic Act no. 11962, na nilagdaan upang maging ganap na batas noong 2023.

About The Author