Ibinida ng Comelec na matagumpay ang Final Testing and Sealing (FTS) ng Automated Counting Machines (ACMs) na gagamitin para sa nalalapit na 2025 National and Local Elections.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia, na wala kahit isang technical issue na na-encounter ang kanilang Electoral Board Members.
Ayon sa Poll chief, lahat ng ACMs naipakalat na sa buong bansa, at ang FTS ay tatagal hanggang sa Miyerkules, May 7.
Sa FTS, magsasagawa ang Electoral Board Members ng end-to-end test sa ACMs, kabilang ang initialization ng mga makina.
Pagkatapos nito ay seselyuhan ang ACMs saka ilalagay sa opisina ng Department Education Supervisor Official (DESO) na babantayan ng mga pulis at sundalo hanggang sa May 12 elections.