Bumagsak ang gross borrowings ng national government noong Marso bunsod ng bumabang external debt.
Sa pinakahuling datos mula sa Bureau of Treasury, bumaba ang total gross borrowings ng 7.15% o sa ₱192.45 billion noong Marso mula sa ₱207.27 billion na inutang sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Mas mababa rin ito ng 43.32% kumpara sa ₱339.55 billion na gross borrowings noong Pebrero.
Naitala ang gross external debt sa ₱34.65 billion noong ikatlong buwan na mas mababa ng 31.89% kumpara sa ₱50.87 billion noong March 2023.
Bahagya namang umakyat ng 0.9% o sa ₱157.8 billion ang gross domestic borrowings mula sa ₱156.4 billion.