dzme1530.ph

Mga isyu ng mga manggagawa, matutuldukan sa Trabaho Para sa Bayan plan

Loading

KUMPIYANSA si Senate Committee on Labor Chairman Joel Villanueva na magiging sagot sa mga isyu at problema ng mga manggagawa ngayon ang ilalatag na Trabaho Para sa Bayan plan 2025-2034.

 

Kabilang na anya  rito ang endo o end of contract o kontrakwalisasyon, kakulangan sa trabaho, presyo ng pagkain at pangunahing bilihin at sa mababang pasahod.

 

Ipinaliwanag ni Villanueva na ang masterplan na ito ang maghahanda para sa ating mga manggagawa sa gitna ng mabilis na pagbabago ng teknolohiya tulad ng artificial intelligence at robotics.

 

Binigyang diin din ng senador na mahalaga ang pagbuo at pagpapatupad ng mga localized Employment Plan sa mga lokalidad, rehiyon, at maging sa mga probinsya.

 

Nanawagan ring muli ang senador kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na gawin nang prayoridad ang P 100 minimum wage bill.

 

Samantala, iginiit ni Senador Christopher Bong Go na hindi lamang trabaho ang kinakailangan ng mga manggagawang Pinoy kundi access sa nutrisyon, healthcare at disenteng kalidad ng pamumuhay.

 

Dapat anyang sikapin na madagdagan din ang kita ng mga manggagawa para sa pagkain, pamasahe at gamot habang binabalanse ang kakayahan ng mga employers.

About The Author