dzme1530.ph

Mga manggagawang Pinoy, patuloy na magiging in-demand sa iba’t ibang panig ng mundo

Loading

AMINADO si Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac na magpapatuloy ang pagiging in-demand ng mga Manggagawang Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

Ipinaliwanag ni Cacdac na sa kahit anong panahon ang mga Filipino workers ay palagiang in-demand dahil sa kalidad ng trabaho, loyalty at kasipagan bukod pa sa language proficiency.

 

Kapansin-pansin din anya ang pagiging law abiding o pagsunod sa batas ng mga Pinoy kapag nasa ibayong dagat.

 

Kaya ngayon anyang taon ay inaaasahan nilang magpapatuloy ang ganitong trend kaya naman tuloy tuloy din ang pagbuo nila ng mga hakbangin upang matiyak ang proteksyon sa mga OFW.

 

Kasabay nito, nilinaw naman ni Cacdac na ang kanilang programang AKSYON fund ay hindi simpleng ayuda sa mga OFW kundi itinuturing nilang safety nets para sa pamilya ng mga manggagawang Pinoy para sa kanilang pagsisimula sa maayos na pamumuhay.

 

Sa ilalim kasi ng AKSYON Fund, ang pamilya ng isang OFW na namatay sa trabaho sa ibayong dagat ay makatatanggap ng P100,000 habang ang mga manggagawang Pinoy na nagkasakit, minaltrato o inabuso ay bibigyan ng P50,000 hanggang P75,000 para sa kanilang pagsisimulang muli..

About The Author