dzme1530.ph

Pagsasabatas ng endo bill, di pa rin sinusukuan ni Sen. Villanueva

Loading

HINDI pa nawawalan ng pagasa si Senate Committee on Labor chairman Joel Villanueva na maisasabatas pa ang panukalang pagkakaroon ng security of tenure o ang tutugon sa isyu ng kontraktwalisasyon.

 

Sinabi ni Villanueva na sa nalalabing tatlong taon niya sa Senado ay patuloy niyang isusulong ang pagsasabatas ng endo bill o endo of contract para sa kapakanan ng mga manggagawa.

 

Matatandaang una nang inaprubahan ng 18th Congress ang Security of tenure bill subalit vineto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019.

 

Sinabi ni Villanueva na dapat makita ang kahalagahan ng security of tenure ng mga manggagawa lalo na’t nakasaad sa konstitusyon ang proteksyon para sa mga manggagawa.

 

Sinabi ng senador na ngayong 19th Congress ay inihain niyang muli ang anti-endo bill sa parehong bersyon na inaprubahan ng bicam noong 18th congress.

 

Sa ngayon anya ay nasa committee level pa rin ito sa Senado.

 

Target ni Villanueva na maging legacy nya ang pagsasabatas ng panukala.

About The Author