Aabot sa 1,288 na pulis ang tinanggal sa serbisyo dahil sa misconduct at ibat ibang paglabag mula noong 2024 ayon sa Philippine National Police.
Batay sa datos, mula Abril a-uno ng taong 2024 hanggang Abril a-bente tres ng 2025, bukod sa isang libong pulis na tinanggal sa serbisyo, aabot sa 172 ang na-demote, at 1,456 ang pinatawan ng suspensyon o disciplinary actions.
Kasunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi dapat kunsintihin ang ganitong mga gawain at abusadong pulis.
Iginiit din ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil na patunay lamang ang mga nasabing hakbang sa kanilang commitment na panatilihin ang disiplina at itaguyod ang tiwala ng mamamayan at hindi nila tinotolerate sa PNP ang mga maling gawain.