dzme1530.ph

Pang-iimpluwensya ng China sa halalan sa bansa, pinatunayan sa pagkakaaresto sa isang Chinese na may IMSI catcher malapit sa Comelec

Loading

NANINIWALA si Senate Majority Leader Francis Tolentino na nagpatibay sa kanilang ibinunyag na operasyon ng China na maimpluwensyahan ang halalan sa bansa ang pagkakaaresto sa isang Chinese national na nahulihan ng International Mobile Subscriber Identity (IMSI) Catcher malapit sa Commission on Elections (Comelec).

 

Una nang nabunyag sa pagdinig sa Senado ang pagsasagawa ng mga operasyon ng China upang hindi mailuklok ang mga anti-China candidates.

 

Sinabi ni Tolentino na ang pag-aresto sa dayuhan ay bunga ng masusing intelligence operations.

 

Kaya naman pinuri ng senador ang National Bureau of Investigation (NBI) sa maagap nitong aksyon upang mapigilan ang umano’y tangkang pagpapalaganap ng agenda ng Beijing at pagwasak sa proseso ng demokrasya sa bansa.

 

Nangako rin ang mambabatas na bilang pangunahing may-akda ng Senate Bill 2951 o ang panukalang Counter Foreign Interference Act, patuloy niyang isusulong ang mahigpit na mga patakaran at mas mabibigat na parusa upang maiangkop ang ating mga batas kontra espiya sa makabagong panahon.

 

Naniniwala si Tolentino na sa pagtutulungan ng pamahalaan, intelligence community, at mamamayan, mabibigo ang anumang masamang tangka laban sa integridad ng mga institusyong pampamahalaan at demokratikong proseso ng bansa.

About The Author