dzme1530.ph

Japanese Prime Minister Ishiba, inimbitahan si pangulong Marcos na bumisita sa World Expo sa Osaka

Loading

Inimbitahan ni Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba si pangulong Ferdinand Marcos Jr. Na bumisita sa World Expo sa Osaka.

 

Ginawa ni Ishiba ang imbitasyon kay Marcos sa kanilang bilateral meeting sa Malakanyang, kahapon.

 

Sinabi ng Japanese Leader na ngayong taon ay nagiging popular destinations ng mga bisita ang Filipino Pavilion, kaya naman inasahan niya ang pagdating ni pangulong Marcos sa Osaka.

 

Idinagdag ni Ishiba na 1970 pa nang huling mag-host ang Osaka ng Expo, at nang mga panahong iyon aniya ay kapwa bata pa sila ni Marcos.

 

Sa bahagi naman ng punong ehekutibo, binati nito ang Japan sa matagumpay na pagbubukas ng 2025 World Expo na nilahukan ng isandaan at animnapung mga bansa at rehiyon upang ibida ang kani-kanilang teknolohiya, kultura, at pagkain.

About The Author