dzme1530.ph

Mahigit dalawandaang show-cause orders, inilabas ng Comelec laban sa mga kandidato sa halalan 2025

Loading

Umabot na sa mahigit dalawandaang show-cause orders (SCOs) ang inilabas ng Comelec Committee on Kotra Bigay laban sa National and Local Candidates para sa halalan 2025 bunsod ng umano’y vote-buying, vote-selling, at Abuse of State Resources (ASR).

 

Inihayag ni Poll Commissioner Ernesto Maceda Jr., Chairperson ng komite, na kabuuang 213 SCOs na ang kanilang ni-release, as of April 28.

 

Sa naturang pigura, isandaan at tatlumpu ay may kaugnayan sa umano’y vote-buying at vote-selling, habang animnapu’t pito ang ASR, at labing anim ang iba pang complaints.

 

Ang mga rehiyon naman na nakapagtala ng pinakamaraming reklamo ay kinabibilangan ng Calabarzon, Central Luzon, National Capital Region, Bicol, at Mimaropa.

About The Author