dzme1530.ph

3 pulis Caloocan, arestado matapos mangikil ng ‘visitation fees’ mula sa mga pamilya ng detainees

Loading

Nagsagawa ng operasyon ang PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group matapos makatanggap ng impormasyon na mayroong mga pulis sa Caloocan CIty Police Station ang naniningil ng ‘visitation fees’.

 

Sa ulat na ipinadala kay PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil, nagsagawa ng entrapment operation ang IMEG nitong Sabado, Abril a-bente sais dakong alas-kwatro ng hapon sa sa Caloocan City Police Station kung saan tatlong pulis na kinabibilangan ng isang police major na nagsilbing custodial supervisor, isang master sergeant at isang patrolman na nagsisilbing custodial officer ang inaresto.

 

Napag-alaman na humihingi umano ang mga pulis ng minimum na P1,500 na bayad sa pagbisita sa kanilang mga kaanak at mahal sa buhay.

 

Saklaw ng P1,500 ang P200 na entrance fee, P500 para sa waiting area at P100 para sa mandatory food ng mga PUPC o persons under PNP Custody.

 

Nasabat ng otoridad ang mahigit P4,000 mula sa mga pulis na may kasabwat sa loob ng kulungan na siyang taga kolekta ng perang nakukuha mula sa mga kaanak ng bilanggo.

 

Dinala ang 3 Caloocan pulis sa headquarters ng IMEG sa Camp Crame para sa dokumentasyon.

About The Author