Aabot sa limang milyong pisong halaga ng food items na malapit ng ma-expire at expired na kinumpiska ng mga awtoridad sa isang warehouse sa Capas, Tarlac.
Nadiskubre ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Tarlac, kasama ang kawani ng Food and Drug Administration (FDA), sa warehouse ang mga kahon ng canned milk, instant noodles, chocolates, at instant coffee.
Natagpuan din sa site ang mga lata ng thinner na umano’y ginagamit para sa alisin ang original na expiration labels, at stamps para baguhin ang expiry dates.
Ayon sa NBI, ang mga kinumpiskang produkto ay ibinebenta sa mababang presyo sa online at sa mga sari-sari store.