dzme1530.ph

Ilan pang Senador, nananawagan sa administrasyon na tulungan ang mga Pinoy na nabiktima sa pag-atake sa Canada

Loading

NANAWAGAN ang ilan pang senador sa mga ahensya ng gobyenro na bigyan ng nararapat na tulong ang mga Pinoy na nabiktima ng trahedya sa Lapu-Lapu Day Festival sa Vancouver, Canada.

 

Agad ding nagpaabot ng pakikiramay at simpatiya sina Senators Joel Villanueva, Win Gatchalian, Grace Poe at Risa Hontiveros.

 

Kaugnay nito, hinimok ni Villanueva ang Philippine Consulate sa Vancouver, gayundin ang Department of Foreign Affairs at ang Department of Migrant Workers na ipagkaloob sa mga Pinoy sa Canada ang lahat ng posibleng tulong kasabay ng koordinasyon sa Canadian authorities upang matiyak na mapapanagot ang nasa likod ng insidenteng ito.

 

Tiniyak naman ni Gatchalian na kaagapay sila ng pamilya ng mga biktima sa pagsusulong nga katarungan par sa kanilang mga mahal sa buhay.

 

Binigyang-diin naman ni Poe na dapat ipagkaloob sa mga Pinoy na naninirahan sa iba’t ibang bansa ang nararapat na aruga at proteksyon sa kanila sa mga lugar na itinuring na rin nilang tahanan.

 

Kasabay naman ng pagkondena sa trahedya, umaasa si Hontiveros na natutugunan ng Philippine Consulate General sa Vancouver at iba pang ahensya ang pangangailangan ng mga Pinoy sa lugar.

About The Author